Limang Katangi-tanging Bahagi ng Africa
Baybayin (Coast)
Ito ay may makitid na lupain mula hilagang baybayin hanggang sa dulo ng South Africa.
Ang disyerto
Sahara Desert |
Sa Africa matatagpuan ang dalawang malalaking disyerto. Ang Sahara sa hilaga ay itinuturing na pinakamalaki sa daigdig, mas malaki ito sa Europe at halos kasinlaki ng United States. Ang salitang Sahara ay galing sa salitang Arabic na sahra na ang ibig sabihin ay disyerto. Tinatawag ito paminsang “karagatan na walang tubig” dahil sa lawak nito. Matatagpuan ang 90 oases dito. Ang oasis ay lugar na may tubig mula sa bukal o balon.
Sa timog naman matatagpuan ang disyerto ng Kalahari. Ito ay may lawak na 200 000 milya kwadrado. Ito ay matatagpuan sa malaking bahagi sa Botswana at Namibia sa South Africa.
Sahel Grasslands |
Tuyong Damuhan (Dry Grasslands)
Ito ay malapit sa mga disyerto at may mga tuyong damuhan. Ang labis na pagpapakain ng damo sa mga inaalagaang hayop ang nagdudulot ng paglawak ng disyerto (desertification).
Serengeti |
Savanna
Dito ay mas madalas ang ulan kaya mas mataas ang damong tumutubo sa kapaligiran. Ang pinakatanyag ay ang Serengeti na kabilang sa World Heritage ng UNESCO.
Maulang Kagubatan (Rainforest)
Rainforest |
Ang rainforest ng Africa ay mayaman sa mineral at iba’t ibang uri ng halaman. Ang 1/5 ng Africa ay rainforest at ang 2/3 nito ay matatagpuan sa Central Africa. Kinatatakutan dito ang langaw na tsetse dahil ang kagat nito ay nagdudulot ng kamatayan sa tao at hayop. Ang rainforest ay tirahan din ng maliliit na elepante, hippopotamus, gorilla at iba’t ibang uri ng unggoy.
No comments:
Post a Comment