Contact Form

Name

Email *

Message *

Tuesday, March 10, 2020

Kabihasnang Klasikal ng Africa

Table of Contents

Mga Kaharian sa Kanlurang Africa

Mga Kaharian sa Kanlurang Africa

Teracotta
  • Naging tanyag dito ang mga griot o ang mga historyador ng Africa.

Nok

Ito ay umusbong sa gitna ng Nigeria sa pagitan ng 500 - 200 BCE. Ang mga artisanong Nok ay nakabuo ng mga teracotta sa hugis ng mga hayop at ulo ng tao na gawa sa putik at kahoy.

Ghana

Ghana
Ito ang unang pinakamalaking estado sa West Africa. Ang mga unang nanirahan dito ay ang mga Soninke. Ang kanilang pinuno Ghana. Sila ay nanirahan sa Kanlurang Sahel. Ang lupain nito ay tinawag na "Lupain ng Ginto"

Isa sa mga tanyag na pinuno ng Ghana si Tunka Manin na namuno noong 1065 CE. Unti-unting humina ang kapangyarihan ng Ghana noong 1076. Sila ay sinalakay ng mga karatig-tribu at tuluyang nawalan ng kontrol sa kalakalan ng asin.

Mali

Mali Empire
Ang tribong Mandike na naninirahan sa kaharian ng Kangaba na bahagi ng imperyong Ghana ay naging makapangyarihan dahil sa paglaki ng populasyon at pag-unlad ng agrikultura. Sinakop ni Sundiata ang mga rehiyong kontrolado ng Ghana. Natamo ng Mali ang rurok ng tagumpay sa pamumuno ni Mansa Musa. Ang Mansa ay katumbas ng hari o emperor noong 1300 CE.

Noong huling bahagi ng 1400, nagkawatak-watak ang imperyo. Ang Gao ay naging sentro ng bagong imperyo ng Songhai.

Songhai

Noong 1450, pinalitan ng Songhai ang mga Mandingosa pagkontrol ng lahat ng mahahalagang rutang pangkalakalan. Sina Sunni Ali at Askia Muhammad I ay naging tanyag ngunit malupit na mga pinuno.

Si Sunni Ali ang nagtatag ng kaharian ng Songhai na mas malawak pa kaysa sa imperyo ng Mali. Kilala rin siya bilang "Ali Ber" o "Ali ang dakila". Siya ay nalunod sa isang ekspedisyong militar at ang anak niyang si Baru ang humalili sa kanya na namuno lamang ng apat na buwan. Noong1945, itinatag ni Askia Muhammad I ang imperyo at nasakop niya ang lahat ng sakop ng imperyo ng Mali at Songhai hanggang silangan ng Hausaland.
Songhai

Ipinalaganap niya ang kulturang Islam sa pamamagitan ng pag-iimbita ng mga pahan na Muslim. Ginawa niyang sentro ng karunungan at komersyo ang Timbukru. Lumaganap ang kalakalan ng pang-aalipin dahil sa mga digmaan. Ang mga alipin ay binibili at binebenta sa sentrong pamilihan ng Gao.

Maraming suliranin ang Songhai at mas lumala ito lalo nang mamatay si Askia. Ang nagbigay-wakas sa imperyong Songhai ay ang naganap na labanan sa pagitan ng mga Morocco.

Limang Katangi-tanging Bahagi ng Africa

Limang Katangi-tanging Bahagi ng Africa


Baybayin (Coast)

Ito ay may makitid na lupain mula hilagang baybayin hanggang sa dulo ng South Africa.


Ang disyerto

Sahara Desert

Sa Africa matatagpuan ang dalawang malalaking disyerto. Ang Sahara sa hilaga ay itinuturing na pinakamalaki sa daigdig, mas malaki ito sa Europe at halos kasinlaki ng United States. Ang salitang Sahara ay galing sa salitang Arabic na sahra na ang ibig sabihin ay disyerto. Tinatawag ito paminsang “karagatan na walang tubig” dahil sa lawak nito. Matatagpuan ang 90 oases dito. Ang oasis ay lugar na may tubig mula sa bukal o balon.

Sa timog naman matatagpuan ang disyerto ng Kalahari. Ito ay may lawak na 200 000 milya kwadrado. Ito ay matatagpuan sa malaking bahagi sa Botswana at Namibia sa South Africa.

Sahel Grasslands

Tuyong Damuhan (Dry Grasslands)

Ito ay malapit sa mga disyerto at may mga tuyong damuhan. Ang labis na pagpapakain ng damo sa mga inaalagaang hayop ang nagdudulot ng paglawak ng disyerto (desertification).

Serengeti

Savanna

Dito ay mas madalas ang ulan kaya mas mataas ang damong tumutubo sa kapaligiran. Ang pinakatanyag ay ang Serengeti na kabilang sa World Heritage ng UNESCO.

Maulang Kagubatan (Rainforest)

Rainforest
Ang rainforest ng Africa ay mayaman sa mineral at iba’t ibang uri ng halaman. Ang 1/5 ng Africa ay rainforest at ang 2/3 nito ay matatagpuan sa Central Africa. Kinatatakutan dito ang langaw na tsetse dahil ang kagat nito ay nagdudulot ng kamatayan sa tao at hayop. Ang rainforest ay tirahan din ng maliliit na elepante, hippopotamus, gorilla at iba’t ibang uri ng unggoy.

Heograpiya

Heograpiya

Africa



Ang Africa ang ikalawang pinakamalaking kontinente sa mundo. Dalawampung bahagi ng daigdig ang sakop nito. Hinati ng ekwador ang Africa. Ang layo ng silangang bahagi sa kanluran ay 4 600 milya. 5 000 milya naman ang layo ng hilaga sa timog Africa. 

Kabihasnang Klasikal ng Africa

Table of Contents Heograpiya Limang Katangi-tanging bahagi ng Africa Mga Kaharian sa Kanlurang Africa